Pahayag sa privacy sa stream remote app

Inilalarawan sa Privacy Notice na ito ang sumusunod:

  • Ang impormasyong kinokolekta ng Sonova mula at tungkol sa iyo sa pamamagitan ng stream remote na Serbisyo ng HANSATON (“ang Serbisyo”, “Serbisyo”),
  • Paano namin ginagamit at pinoprotektahan ang impormasyong ito
  • Ang mga pagpipilian mo tungkol sa kung paano namin gagamitin ang impormasyong ito, at
  • Paano mo magagamit ang iyong mga karapatan (hal., karapatan sa pag-access, karapatan sa pagwawasto, karapatan sa pagrereklamo, atbp.)

 

Controller at mga contact details

Ang controller ng kinokolektang personal na impormasyon ay ang:
Sonova AG
Laubisrütistrasse 28
8712 Stäfa
Switzerland

Ang numero sa pagpaparehistro ng kumpanya ay: CHE-101.989.88
Ang aming mga contact details ay ang mga sumusunod: eMail: privacy@sonova.com
Website: www.sonova.com
Ang mga contact details para sa aming Data Privacy Officer (DPO) ay: privacy@sonova.com

Paglalarawan ng HANSATON stream remote app

Ang stream remote na Serbisyo ng HANSATON ay binubuo ng: HANSATON stream remote app

Ang HANSATON stream remote ay isang mobile app para sa mga consumer na gumagamit ng smartphone at available para sa iOS at Android. Pakitingnan ang Apple App Store at Google Play Store para sa compatibility sa app. Available ang HANSATON stream remote app sa ilang partikular na bansa at para sa ilang partikular na smartphone.

Nagbibigay-daan ang Serbisyo sa mga sumusunod:

  • Mga pangunahing pagsasaayos ng mga setting ng hearing aid (pagsasaayos ng volume, pagpili ng program, ambient balance habang nagsi-stream, intensity ng tinnitus masker) batay sa mga setting ng iyong hearing aid
  • Pag-customize ng mga pangalan ng program sa app
  • Impormasyon sa status ng iyong hearing aid (average na tagal ng pagsusuot, status ng pag-charge ng baterya para sa compatible na nare-recharge na hearing aids)
  • Configuration ng Auto-On kapag hindi na nakakabit sa charger para sa mga compatible na nare-recharge na hearing aid

Anong Impormasyon ang kinokolekta namin?

Para sa mga layunin ng pagpapatunay ng pagkakakilanlan sa simula ng app:

  • serial number ng hearing aid
  • mga setting ng hearing aid para maialok ang punto ng pagsisimula para sa iyong mga personal na pagsasaayos (program, volume, tinnitus, ambient balance, fitting information for accessories)

Kinokolekta mula sa mga nakakonektang hearing aid:**

  • Data sa paggamit ng Hearing Aid (tagal ng pagsusuot, status ng pag-charge ng baterya para sa mga rechargeable na hearing aid)
  • Mga setting ng hearing aid (program, volume, tinnitus, ambient balance, fitting information for accessories)

** Ang mga nakakonektang hearing aid ay mga hearing aid lang na maaaring ikonekta sa HANSATON stream remote app

Kinokolekta sa app:***

  • Mga custom na pangalan ng program na maaari mong itakda sa app
  • Abiso sa Privacy (kung kinakailangang ipakita ang Abiso sa Privacy o kung natanggap na ito)
  • Impormasyon sa Nakakonektang Hearing aid (huling naikonektang hearing aid, pangalan ng Bluetooth, Product ID ng hearing aid, impormasyon ng brand ng hearing aid)

***Hindi lokal na napapalitan ang data sa app.

Kinokolekta mula sa Mga Third-Party na Serbisyo sa app:

Google Firebase (Data sa paggamit ng app, Tagal ng session, mga binibisitang page)

Gumagamit ang Sonova ng Google Analytics for Firebase at Firebase Crashlytics, na mga serbisyong iniaalok ng Google Inc. “Google”. Tinutulungan kami ng Google Analytics for Firebase sa pagbuo ng mga pinagsamang istatistika tungkol sa paggamit ng app. Para sa layuning ito, ipadadala sa Google Firebase ang iyong Mobile ad ID (hindi napapalitang identifier na magkaiba para sa bawat app) o Android ID at iba pang impormasyon (gaya ng bilang ng mga session, mga tagal ng session, mga operation system, mga update, mga pagbili o rehiyon). Gagamitin ng Google Firebase ang cookies, na naka-store sa iyong mobile app para suriin ang iyong paggamit ng app. Papanatilihin ng Google ang data na nauugnay sa ID sa loob ng 60 araw, at pagkatapos nito, pagsasamahin na ang personal na data. Ang Firebase Crashlytics ay isang tagapag-ulat ng pag-crash na tumutulong sa aming subaybayan at ayusin ang mga isyu sa stability na nakasisira sa kalidad ng iyong app. Para sa layuning ito, kokolektahin at papanatilihin ng Google sa loob ng 90 araw ang iyong Pangkalahatang Natatanging Identifier sa Pag-install at mga trace ng pag-crash. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa kung paano pinoproseso ng Google ang iyong data kapag ginagamit mo ang aming app, pakibasa ang www.google.com/policies/privacy/partners. Maaari kang mag-opt out sa Google Analytics for Firebase at Firebase Crashlytics na feature sa panahon ng proseso ng pag-onboard at sa mga setting ng app na ito.

Bakit namin pinoproseso ang Impormasyon ((Mga) Layunin ng Pagproseso)

Ginagamit namin ang iyong Personal na Impormasyon upang:

  • Maibigay ang Serbisyo sa iyo (para sa mga layunin ng pagpapatunay ng pagkakakilanlan sa simula ng app)
  • Mapahusay ang iyong karanasan (ang mga setting ng hearing aid ang batayan para sa mga setting ng iyong app)
  • Mapahusay ang Serbisyo (ginagamit lang namin ang na-anonymize na data para sa pagsusuri)

Ano ang legal na batayan para sa pagproseso sa Impormasyon?

Ang legal na batayan para sa pagproseso ng iyong impormasyon ay ang Hayagang Pagpapahintulot mo sa pamamagitan ng pagtanggap sa Abiso sa Privacy na ito.

Naka-automate na pagpapasya at Pag-profile

Hindi gumagamit ang Serbisyo ng anumang proseso ng naka-automate na pagpapasya o pag-profile na maaaring makaapekto sa iyong mga karapatan.

Kanino namin ibinabahagi ang iyong Impormasyon?

Gumagamit kami ng mga Third-Party na provider ng serbisyo upang magsagawa ng mga operasyon sa negosyo sa ngalan namin. Ibinibigay lang namin sa aming mga Third-Party na provider ng serbisyo ang impormasyong kailangan nila upang maisagawa ang mga operasyon sa negosyong hinihiling namin, at iniaatas namin na protektahan nila ang impormasyong ito at may obligasyon silang hindi ito ihayag o gamitin para sa anupamang layunin.

Ang mga Third-Party na provider ng serbisyong ginagamit namin at ang mga operasyon sa negosyong isinasagawa nila:

  • Google Firebase (impormasyong kinokolekta namin upang masuri ang mga pagkilos ng user sa app at mapahusay ang produkto.)

Posible din naming ihayag ang iyong personal na impormasyon

  • Alinsunod sa batas, halimbawa, upang sumunod sa isang subpoena o katulad na legal na proseso. Sa sukdulang pinahihintulutan kami ng batas, magsasagawa kami ng mga makatuwiran sa komersyong hakbang upang abisuhan ka kung sakaling kinakailangan naming ibigay ang iyong personal na impormasyon sa mga 3rd party bilang bahagi ng legal na proseso
  • Alinsunod sa kinakailangan bilang pagtugon sa mga naaayon sa batas na kahilingan ng mga pampublikong awtoridad, kabilang ang mga kahilingan mula sa awtoridad sa pambansang seguridad o pagpapatupad ng batas.

Pakitandaan, ang mga third party na ito na binabanggit sa itaas, ay maaaring nasa labas ng iyong bansang tirahan, kabilang ang United States of America, na may mga batas sa proteksyon ng data na maaaring naiiba sa batas ng bansa kung saan ka nakatira. Sa mga naturang sitwasyon, titiyakin namin na mayroong mga naaangkop na pag-iingat na ipinatutupad upang maprotektahan ang iyong Personal na Data sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga naaangkop na legal na mekanismo, gaya ng Mga Karaniwang Clause sa Kontrata ng EU.

Saan sino-store ang iyong data?

Direktang sino-store sa app ang iyong personal na data. Hindi kami gumagamit ng mga karagdagang serbisyo para i-store ang iyong data.

Seguridad ng iyong impormasyon

Upang makatulong na protektahan ang privacy ng iyong data at personal na impormasyon sa pamamagitan ng paggamit mo ng Serbisyo, nagpapanatili kami ng mga pisikal, teknikal at pang-administratibong pag-iingat. Tuloy-tuloy naming ina-update at sinusubukan ang aming panseguridad na teknolohiya. Pinaghihigpitan namin ang access sa iyong personal na data sa mga empleyado na kinakailangang makaalam sa impormasyon upang maibigay ang Serbisyo sa iyo. Dagdag pa rito, sinasanay namin ang aming mga empleyado tungkol sa kahalagahan ng pagkakumpidensyal at pagpapanatili sa privacy at seguridad ng iyong impormasyon. Naninindigan kami sa pagsasagawa ng mga naaangkop na pandisiplinang hakbang upang maipatupad ang mga responsibilidad sa privacy ng aming mga empleyado.

Panahon ng pagpapanatili

Papanatilihin namin ang iyong Personal na Impormasyon sa panahon ng iyong ugnayan sa Sonova kung kinakailangan upang maisakatuparan ang mga layuning nakadetalye sa Abiso sa Privacy na ito. Pagkatapos maisakatuparan ang mga layunin, ide-delete ang iyong personal na impormasyon kapag pinili mong i-delete ang app, maliban na lang kung kinakailangan o pinapahintulutan ng batas o Regulasyon ang mas mahaba o mas maikling panahon ng pagpapanatili. Mangyaring basahin ang seksyon tungkol sa “Iyong mga karapatan bilang Subject ng Data” sa ibaba para sa higit pang impormasyon.

Kung nasa EU ka, alinsunod sa ilang partikular na kundisyon, mayroon ka ng mga sumusunod na karapatan:

Mayroon ka ng mga sumusunod na karapatan:

  • Karapatan sa pag-access
  • Karapatan sa pagwawasto
  • Karapatan sa pagbubura
  • Karapatan sa paghihigpit ng pagproseso
  • Karapatan sa portability ng data
  • Karapatan sa pagbawi ng pahintulot
  • Karapatan sa Paghahain ng reklamo sa isang Awtoridad sa Pangangasiwa

Makikita sa mga sumusunod na seksyon ang mas detalyadong impormasyon tungkol sa iyong mga karapatan at kung paano gagamitin ang mga ito.

Mga link sa iba pang site

Mayroong mga link sa iba pang site ang Serbisyo na hindi kami ang nagpapatakbo. Kung iki-click mo ang mga link na ito, madidirekta ka sa site ng third party na iyon. Lubos naming ipinapayo sa iyo na suriin mo ang Patakaran sa Privacy ng bawat site na bibisitahin mo. Wala kaming kontrol, at wala kaming pananagutan para sa content, mga patakaran o kagawian sa privacy ng alinmang third-party na site o serbisyo.

Privacy ng mga bata

Hindi tinutugunan ng aming Serbisyo ang sinumang wala pang 13 taong gulang (“Mga Bata”). Hindi namin sadyang kinokolekta ang Personal na Impormasyon mula sa mga batang wala pang 13 taong gulang. Kung isa kang magulang o tagapangalaga at alam mong nagbigay ang iyong anak sa amin ng Personal na Impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa amin. Kung mapag-alaman naming nakakolekta kami ng Personal na Impormasyon mula sa isang batang wala pang 13 taong gulang nang walang pag-verify ng pahintulot ng magulang, magsasagawa kami ng mga hakbang upang alisin ang impormasyong iyon sa aming mga server.

Mga Pagbabago sa Abiso sa Privacy na ito

Maaaring pana-panahon naming i-update ang aming Abiso sa Privacy. Pinapayuhan kang basahin ang na-update na Abiso sa Privacy. Magkakabisa ang mga pagbabago sa Abiso sa Privacy na ito kapag na-post na ang mga iyon sa page na ito.

Mas detalyadong impormasyon tungkol sa iyong mga karapatan at kung paano gagamitin ang mga ito

 Mayroon kang ganap na access sa lahat ng impormasyong naka-store sa app at karapatang bawiin ang iyong pahintulot na iproseso ang personal na data mo at i-delete ang iyong personal na data sa anumang oras sa pamamagitan ng pag-deinstall sa app mula sa smartphone mo.

Kung nasa EU ka, mayroon ka ng mga sumusunod na karapatan, alinsunod sa ilang partikular na kundisyon:

Karapatan sa Pag-access

May karapatan kang i-access ang iyong personal na data at karagdagang impormasyon.

Paano gamitin

Mangyaring magpadala ng eMail sa privacy@sonova.com kung saan ibinibigay ang mga detalye ng iyong kahilingan.

Karapatan sa Pagwawasto

May karapatan kang ipawasto ang personal na data kung hindi ito tumpak o kumpleto.

Paano gamitin

Ang iyong personal na impormasyon na kinokolekta sa hearing aid ay nakabatay sa impormasyon ng hearing aid mo. Mangyaring makipag-ugnayan sa iyong audiologist.
Ikaw lang ang maaaring magwasto ng nakolektang impormasyon sa app (mga custom na pangalan ng program).
Para sa lahat ng impormasyon, mangyaring magpadala ng eMail sa privacy@sonova.com kung saan ibinibigay ang mga detalye ng iyong kahilingan.

Karapatan sa Pagbubura

Ang karapatan sa pagbubura ay kilala rin bilang ‘karapatan para kalimutan’. Nagbibigay-daan ito sa iyong hilingin ang pag-delete o pag-aalis ng personal na data kung saan wala nang nagsisilbing dahilan para sa patuloy na pagproseso nito, halimbawa, kung saan:

  • hindi na kinakailangan ang iyong personal na data kaugnay ng layunin kung para saan ito orihinal na nakolekta/naproseso
  • binawi mo ang iyong pahintulot
  • kailangang burahin ang personal na data upang sumunod sa legal na obligasyon

Paano gamitin

Maaari mong bawiin ang iyong pahintulot sa pamamagitan ng pag-delete sa app sa iyong smartphone. Para sa lahat ng iba pang impormasyon, mangyaring magpadala ng eMail sa privacy@sonova.com kung saan ibinibigay ang mga detalye ng iyong kahilingan.

Karapatan sa Paghihigpit ng Pagproseso

May karapatan kang hilingin na ‘i-block’ o pigilan ang pagproseso ng iyong personal na data, halimbawa, kung saan:

  • tinututulan mo ang katumpakan ng personal na data
  • labag sa batas ang pagproseso, at sinasalungat mo ang pagbubura at sa halip ay humihiling ka ng paghihigpit
  • hindi na kinakailangan ng Sonova ang iyong personal na data pero kinakailangan mo ang data upang maitakda, magamit o madepensahan ang isang legal na paghahabol

Paano gamitin

Maaari mong bawiin ang iyong pahintulot sa pamamagitan ng pag-delete sa app sa iyong smartphone. Para sa lahat ng iba pang impormasyon, mangyaring magpadala ng eMail sa privacy@sonova.com kung saan ibinibigay ang mga detalye ng iyong kahilingan.

Karapatan sa Portability ng Data

Ang karapatan sa portability ng data ay nagbibigay-daan sa iyong makuha at magamit ulit ang personal na data mo para sa iyong mga sariling layunin sa lahat ng ibang serbisyo. Nagbibigay-daan ito sa iyo na madaling mailipat, makopya o maipadala ang personal na data mo mula sa Sonova papunta sa ibang Serbisyo sa isang ligtas at secure na paraan, nang hindi nahahadlangan ang kakayahang magamit nito.

Paano gamitin

Mangyaring magpadala ng eMail sa privacy@sonova.com kung saan ibinibigay ang mga detalye ng iyong kahilingan.

Karapatan sa Pagbawi ng Pahintulot

May karapatan kang bawiin ang iyong pahintulot sa anumang oras at sa madaling paraan.

Paano gamitin

Maaari mong bawiin ang iyong pahintulot sa pamamagitan ng pag-delete sa app sa iyong smartphone. Para sa lahat ng iba pang impormasyon, mangyaring magpadala ng eMail sa privacy@sonova.com kung saan ibinibigay ang mga detalye ng iyong kahilingan.

Karapatan sa Paghahain ng Reklamo sa SA

May karapatan kang maghain ng reklamo sa isang Awtoridad sa Pangangasiwa.

Paano gamitin

Makikita rito ang mga detalye sa pakikipag-ugnayan para sa lahat ng Pambansang Awtoridad sa Proteksyon ng Data ng EU **. Kasama rito ang mga detalye sa pakikipag-ugnayan para sa Mga Bansa sa European Free Trade Area (EFTA) kabilang ang Switzerland.

**http://ec.europa.eu/newsroom/article29/item-detail.cfm?item_id=61208

Ang Bluetooth® na salitang marka at mga logo ay mga nakarehistong trademark na pagmamay-ari ng Bluetooth SIG, Inc. Ang Apple, iPhone, iOS at App Store ay mga trademark ng Apple Inc. Ang Android™, Google Play, at ang logo ng Google Play ay mga trademark ng Google Inc.