Alamin ang tungkol sa pandinig

Mahalaga ang Iyong Pandinig


Ang maayos na pandinig ay mahalagang bahagi ng iyong personal na kalidad ng buhay. Nakakatulong sa iyo ang maayos na pandinig upang magkaroon ka ng aktibong buhay, maging mas maginhawa at mas kumpiyansa kahit na sa malaking pangkat o maingay na lugar. At nakakatulong ang maayos na pandinig na mapanatiling aktibo ang iyong utak.

 

Sundan ang paglalakbay ng tunog mula sa mga tainga hanggang sa utak

Kapag pinag-usapan natin ang tungkol sa ating mga tainga, karaniwan nating tinutukoy ang bahaging nakikita mula sa labas. Ngunit hindi pa iyon kalahati ng kuwento.
Sa katunayan, outer ear lang ang bahaging iyon. Ligtas na pinoprotektahan ng ating ulo ang mas malaking bahagi ng ating mga sistema ng pandinig.

  1. 1.  Umaabot ang tunog sa Concha...
    2. ...ginagabayan ito papunta sa auditory canal...
    3. ...bumubunggo ito sa ear drum, na nagsasanhi ng pag-vibrate nito...
    4. ..pagkatapos ay inihahatid ito sa panloob na tainga sa pamamagitan ng chain ng maliliit na auditory ossicle (mga buto).
    5.  Kino-convert ng mga hair cell ang galaw doon sa mga elektrikal na bugso, na ipinadadala sa utak sa pamamagitan ng auditory nerve.

     






Saan nagmumula ang tunog? Gaano ito kalakas? Salita ba ito? Ano ang ibig sabihin nito? Sa paglaki natin, nakikinig na tayo mula sa karanasan. “Bina-block out” natin ang mga ingay na nalaman nating hindi mahalaga, gaya ng mga patuloy na ingay sa background.

Nakasalalay ang ating pagkakaunawa sa pananalita sa saklaw ng pagkakaalam natin sa isang wika. Ngunit may tungkulin din ang kahalagahan ng emosyon. Kung sabagay, hindi trabaho ng tainga ang pag-unawa sa tunog, ngunit trabaho ito ng utak.
 




Ginhawa sa pang-araw-araw na buhay


Nako-compensate ng iyong utak ang paghina ng pandinig sa isang partikular na saklaw,
gayunpaman, maaaring nakakapagod ang pag-compensate para sa paghina ng pandinig.
Samakatuwid, kapaguran ang kadalasang side effect ng paghina ng pandinig.
Mapapahusay ng hearing aid ang mahihirap na sitwasyong may kaugnayan sa tunog, na ginagawang mas madali ang pang-araw-araw na buhay at samakatuwid ay pinapabuti ang iyong personal na kalusugan.

Pagpapanatili ng mga tunog


Ang paghina ng pandinig ay karaniwang nangangahulugang hindi na ipinapadala sa utak ang ilang partikular na signal ng tunog, kaya kulang ng impormasyon ang utak na dahilan ng mas mahirap na pag-unawa sa mga salita. Kadalasan, maririnig mong may nagsasalitang tao, ngunit hindi malinaw ang naririnig mong mga salita. Napapanatiling aktibo ang iyong utak kapag maagang gumamit ng mga hearing aid sa pamamagitan ng pagbibigay rito ng impormasyong kinakailangan nito upang maunawaan ang pananalita.




Online Hearing Test

Subukan ang iyong pandinig mula sa bahay sa pamamagitan ng aming bagong online hearing test.
 

Tinnitus

May umuugong na tunog ba sa iyong mga tainga? Alamin ang tungkol sa mga sintomas, dahilan at solusyon para sa tinnitus.
 

Mga Hearing Aid

Tingnan ang aming mga pinakabagong hearing aid upang malaman kung alin ang naaangkop para sa iyo.