Buhayin ang iyong natural na hearing intelligence sa pamamagitan ng mga HANSATON hearing aid
Premyadong istilo
Ang maganda at manipis na Style RIC hearing aids ay nag-aalok ng magandang performance at madaling pagkonekta sa iyong mobile phone, at kakayahang ma-recharge anumang oras.
Pagpapanatili ng Mga Tunog
Ang paghina ng pandinig ay karaniwang nangangahulugang hindi na ipinapadala sa utak ang ilang partikular na signal ng tunog, kaya kulang ng impormasyon ang utak na dahilan ng mas mahirap na pag-unawa sa mga salita. Kadalasan, maririnig mong may nagsasalitang tao, ngunit hindi mo malinaw na naririnig ang mga salita.
Nakakatulong na mapanatiling aktibo ang iyong utak kapag maagang gumamit ng mga hearing aid sa pamamagitan ng pagbibigay rito ng impormasyong kinakailangan nito upang maunawaan ang pananalita.
Magagandang Disenyo
May iba't ibang hugis at laki ang mga hearing aid. Maingat na idinisenyo ang bawat hearing aid ng HANSATON upang maging maginhawa at matibay at maging napakaganda rin. Parehong maliit at hindi nababasa ang karamihan ng aming mga disenyo, kaya madaling maiangkop ang mga ito sa iyong buhay.
Mga namumukod-tanging disenyo para sa iyong mga pangangailangan sa pandinig.
Kumokonekta ang Mga Hearing Aid sa Iyong Smartphone
Gawing wireless na headphones ang iyong mga hearing aid device para sa mga hands-free na tawag sa telepono.. Sumagot ng tawag sa telepono o makinig sa musikang direktang nagsi-stream sa iyong mga hearing aid. Magkonekta ng dalawang telepono o tablet nang sabay. I-enjoy ang kalayaan!
Sa ilang hearing aid ng HANSATON, makokontrol mo ang mga mobile phone device sa pamamagitan ng simpleng pag-double tap sa iyong tainga.
Maaari mong i-personalize ang iyong karanasan sa pakikinig gamit ang iyong smartphone. Napakadaling gamitin ang mga basic na feature sa HANSATON app at ang mga mas advanced na feature ay nagbibigay ng mas espesyal na pag-customize.
Nakasukat para sa Iyo
May maliliit na computer ang mga hearing aid ng HANSATON na may milyon-milyong posibleng kumbinasyon ng mga setting. Ina-adjust ang mga setting na ito ng iyong hearing healthcare propesyonal upang itugma ang aming partikular na paghina ng pandinig at iyong mga partikular na pangangailangan sa pandinig – upang maitugma ito sa iyong paraan ng pamumuhay.
Halimbawa, idinisenyo ang ilan sa mga feature sa mga hearing aid upang lakasan ang volume ng mga tunog sa paligid mo, idinisenyo naman ang ilan upang tumuon sa pananalita, at mayroong idinisenyong iba pa upang bawasan ang mga ingay.
Mahalaga ang pag-customize upang umangkop nang tama para sa iyo.
Ano ang aasahan sa bagong hearing aid
Kapana-panabik na araw ang pag-uuwi ng iyong bagong pares ng hearing aid. Pinakamalamang na nasanay ka nang mabuhay nang may mga problema sa pandinig at napalampas mo ang karamihan sa magagandang tunog sa buhay. Sa pamamagitan ng iyong bagong hearing aid, makakarinig ka ng maraming banayad na tunog sa iyong kapaligiran na hinahanap-hanap mong muli. Gayunpaman, paminsan-minsan ay maaaring sobra sa una ang biglaang sensory overload na ito.
Sa iyong unang ilang linggo ng paggamit ng bagong hearing aid, mahalagang maging mapagpasensya. Magkakaroon ng panahon na pag-adjust habang nasasanay kang muling makarinig. Narito ang ilang tip:
- Bigyan ang iyong mga tainga at utak ng panahon upang masanay na muling makarinig.
- Regular na isuot ang iyong mga hearing aid.
- Magsanay sa mga mas tahimik na lokasyon, pagkatapos ay umusad sa mga mas maingay na sitwasyon.
- Magbasa nang malakas sa iyong sarili upang masanay na muling marinig ang iyong sariling boses.
- Magsimula sa pamilya o mga kaibigan – sa mga taong may mga pamilyar na boses.
- Isulat ang anumang bagay na maaaring gusto mong i-personalize para sa iyong karanasan sa pakikinig.
Online Hearing Test
Suriin ang iyong pandinig mula sa bahay sa pamamagitan ng aming bagong online hearing test
Suporta sa Hearing Aid
Tingnan ang mga madalas na itanong
Alamin ang Tungkol sa Pandinig
Ang ating mga tainga ay mga kumplikadong sensory organ. Nakakatulong ang maayos na pandinig na mapanatiling aktibo ang iyong utak.