Mga tuntunin ng paggamit
I. Pagsang-ayon
Ang website na ito ay pagmamay-ari at pinapatakbo ng Sonova AG. Sa pamamagitan ng pag-access at pag-browse sa Site na ito, tinatanggap mo ang Mga Tuntunin at Kundisyon na ito.
II. Disclaimer ng Mga Warranty
Nagsagawa kami – at patuloy kaming magsasagawa ng – mga lubos na pagsisikap upang magbigay ng tumpak at napapanahong impormasyon. Gayunpaman, hindi kami gagawa ng warranty o pagkatawan, nang hayagan man o ipinahihiwatig, na tumpak o kumpleto ang impormasyong nakapaloob o binabanggit dito. Dagdag pa rito, hindi mananagot ang Sonova sa anumang paraan para sa direkta, hindi direkta, nagkataon, kinahinatnan, o danyos na pamparusa na nagreresulta sa paggamit ng, pag-access sa, o kawalan ng kakayahang gamitin ang impormasyong ito. Bukod pa rito, hindi mananagot ang Sonova sa anumang paraan para sa mga posibleng pagkakamali o pagkakaalis sa mga content nito. Partikular na nalalapat ito sa anumang pagtukoy sa mga produkto at serbisyong ibinibigay ng Sonova AG. Ang impormasyon sa web site na ito ay maaaring naglalaman ng mga teknikal na kawalang-katumpakan o typographical na pagkakamali. Maaari ding magsagawa ang Sonova ng mga pagpapahusay at/o pagbabago sa mga produkto at/o programa na inilalarawan sa impormasyong ito anumang oras nang walang paunang abiso, at hindi ito mananagot sa anumang paraan para sa mga posibleng kahinatnan ng mga naturang pagbabago.
Ang impormasyon inilalathala ng Sonova sa World Wide Web ay maaaring tumutukoy o may cross reference sa mga produkto, programa at serbisyo ng Sonova – iginuhit o inilarawan – na hindi inanunsyo o available sa iyong bansa. Hindi ipinahihiwatig ng mga naturang pagtukoy na nilalayon ng Sonova na ianunsyo ang mga produkto, programa o serbisyo sa iyong bansa. Higit pang impormasyon ang makukuha mula sa iyong lokal na contact sa pakikipagnegosyo sa Sonova.
Ikaw ang bahalang magsagawa ng mga pag-iingat upang tiyakin na walang naturang item na gaya ng mga virus, worm, Trojan horse at iba pang mapaminsalang item sa anumang pipilin mo para sa iyong paggamit. Hindi mananagot ang Sonova sa anumang pagkakataon para sa anumang direkta, hindi direkta, espesyal o iba pang kinahinatnang pinsala dahil sa anumang paggamit ng website na ito, kabilang, nang walang limitasyon, ang anumang naluging kita, pagkaantala ng negosyo, pagkawala ng mga program o iba pang data sa iyong system sa pangangasiwa ng impormasyon o kung hindi naman, kahit na hayagang ipinabatid sa amin ang posibilidad ng mga naturang pinsala.
III. Mga Link
Maaaring lumabas o ma-access ang third-party na content sa website. Hindi responsable at walang pananagutan ang Sonova para sa anumang third-party na content. Bukod pa rito, maaaring magbigay ang website na ito ng mga link o pagtukoy sa iba pang web site na hindi affiliated sa Sonova; gayunpaman, walang responsibilidad ang Sonova para sa content ng naturang iba pang site at hindi ito mananagot para sa anumang perhuwisyo o pinsala na magmumula sa pag-access ng mga user sa mga naturang site. Ibinibigay lang ang mga link sa iba pang site para maging madali ang pagpunta rito ng mga user ng aming website.
IV. Copyright
Ang buong content ng website ng Sonova na ito ay napapailalim sa copyright kung saan nakareserba ang lahat ng karapatan. Malaya kang makakapag-browse sa Site, pero magagawa mo lang na i-access, i-download o gamitin ang impormasyon mula sa Site na ito, kabilang ang anumang text, larawan, audio, at video (ang "Impormasyon") para sa iyong sariling hindi pangkomersyong paggamit. Hindi mo maaaring ipamahagi, baguhin, ipadala, gamitin ulit, i-post ulit, o gamitin ang Impormasyon para sa mga pangkomersyong layunin, nang walang nakasulat na pahintulot ng Sonova AG. Dapat mong panatilihin at gawan ng kopya ang bawat abiso sa copyright o iba pang abiso sa pagmamay-aring karapatan na nakapaloob sa anumang Impormasyon na ida-download mo.
Dapat mong ipagpalagay na naka-copyright ang lahat ng nakikita o nababasa mo sa Site na ito maliban na lang kung iba ang nakatala at hindi maaaring gamitin ang mga ito maliban sa binanggit sa Mga Tuntunin at Kundisyon na ito o sa text sa Site nang walang nakasulat na pahintulot ng Sonova AG.
V. Mga Trademark
Dapat mong ipagpalagay na mga trademark ng Sonova AG o iba pang partido ang lahat ng pangalan ng produkto na nakikita sa Site na ito, nakikita man ang mga ito nang may malalaking titik, italics o may simbolo ng trademark. Walang ibinibigay o ipinagkakaloob sa iyo na lisensya o karapatan sa anumang naturang trademark.
VI. Mga Rebisyon
Magagawa ng Sonova AG sa anumang pagkakataon na irebisa ang Mga Tuntunin at Kundisyon na ito sa pamamagitan ng pag-update sa pag-post na ito. Napapailalim ka sa anumang naturang rebisyon at dapat kang pana-panahong bumisita sa page na ito upang suriin ang kasalukuyang Mga Tuntunin at Kundisyon sa panahong iyon kung saan ka napapailalim.